All Nurses Disappear: The Devastating Effects on Healthcare and Beyond
Picture this: a world without nurses. No more nursing care, no more healing, no more nursing career. Parang eksena sa sci-fi movie, 'no? Pero paano kung ito ay nangyari sa totoong buhay? Ano ang mangyayari satin at sa buong mundo? Tingnan natin ang nakakatakot na scenario.
Overwhelming Healthcare Demand
Ang nurse ang mga puso ng healthcare system. Kapag wala sila, magkakaroon ng sobrang laking demand sa healthcare services, leading to endless queues at limited availability. Pano pa kung sobrang dami ng tao na nangangailangan ng medical attention? When supply can’t meet demand, people suffer. Ang healthcare system ay mag-co-collapse dahil sa biglaang increase sa demand and walang nurse na sasalo.
Shortages of Healthcare Professionals
Ang mga nurse ay isa sa pinakamalaking grupo ng healthcare professionals. Kapag wala sila, mas dadami ang demand na pupunta sa ibang healthcare professionals tulad ng mga doctor, therapist, at iba pa. Sila ang sasalo ng gap na inwin ng mga nurse. Ang ripple effect ng shortage na ito ay mararamdaman sa buong healthcare industry. It will be utter chaos inside hospitals kasi the systems in place are paralyzed and will have to be restarted again.
Economic Downturn
Ang nursing ay isa sa mga pinakamalaking propesyon sa mundo, generating billions of dollars in revenue. Ang biglang pagkawala ng mga nurse ay magkakaroon ng devastating effect sa global economy, leading to job losses at kawalan ng trabaho. Ang milyun-milyong pamilya sa Pilipinas for example, na umaasa sa remittances ay mawawalan ng source of income overnight. Imagine 100,000 families suddenly not being able to pay rent or pay for basic utilities? Grabe yan.
Geopolitical Implications
Ang mga nurse ay kritikal sa pagpapatakbo ng healthcare system sa bawat bansa. Ang pagkawala nila globally ay magkakaroon ng malaking impact sa international relations, dahil kailangan ng mga bansa na magtulungan upang solusyonan ang shortage ng healthcare professionals. Ang mga bansa na kilala sa nursing ay pag-aagawan at pag-aawayan sa buong mundo. Nursing schools especially here in the Philippines will have to produce more nurses in half the time, just to meet demand. But countries will not easily release nurses to other countries as it seeks to secure its own demand issues locally. According to Dr. Maria Vergeire of the Department of Health, the Philippines currently has a shortage of 350,000 nurses. But we can’t blame nurses for working overseas. It’s not their fault. 😤
Psychological Impact on Patients
Ang mga nurse ay madalas ang una mong makakausap sa healthcare system. Kapag wala sila, makakaranas ang pasyente ng kawalan ng guidance at support, leading to a psychological impact na maaaring magdulot ng long-lasting effects. They say na you will only see the importance of something when it’s gone. And not having nurses to provide that emotional support when you need it will affect how patient satisfaction levels in healthcare facilities all over the world. So be understanding and appreciative of the nurses that attend to you when you need them.
Insurance Industry Disruption
Ang pagkawala ng mga nurse ay magkakaroon rin ng malaking impact sa insurance industry, dahil hindi na nila kayang masustain ang pagtaas ng demand sa healthcare services. Kailangan nilang mag-adjust ng policies at premiums para masolusyonan ang shortage ng healthcare professionals.
Changes in F&B Industry
Ang food at beverage industry ay maapektuhan rin ng biglang pagkawala ng mga nurse. Kapag walang nurse and bumababa ang kalidad ng healthcare sa ospital, kakailanganin ng mga food & beverage company to make healthier food alternatives just to help people get healthier. Also, sila (F&B industry) ang responsible sa pagbibigay ng proper nutrition sa pasyente, kaya magkakaroon ng changes sa buong food and beverage industry.
Disruption in Supply Chain of Healthcare Products
Ang biglang pagkawala ng mga nurse ay magkakaroon din ng malaking impact sa supply chain ng healthcare products. Sila ang responsible sa pag-administer ng mga medication at iba pang healthcare products, kaya magkakaroon ng disruption sa supply chain and maraming tao ang maapektuhan in and out of the healthcare facility.
Increased Demand for Home Health Care
Ang pagkawala ng mga nurse ay magdudulot ng increase sa demand para sa home health care services, dahil kailangan ng pasyente ng tulong at atensyon ng ibang family members o caregivers. Sa Pilipinas mukhang mas madali ang pag adjust ng mga tao dahil natural sa atin ang pagiging maalaga. Pero paano naman ang mga bansa na nakasandal sa mga nurse at caregivers natin? Paano nila aalagaan bigla ang mga mahal nila sa buhay if wala naman yun sa sistema at upbringing nila? Roughly 1.5 million) people live in nursing homes in America. And around 0.21% (1 million) of elderly adults live in assisted living facilities in the U.S. There are 15,600 nursing homes in America and lahat po yan, mangangailangan ng nurses.
Long-Term Effects on Healthcare
Ang biglang pagkawala ng mga nurse ay magdudulot ng long-term affects sa healthcare industry—long term effects na hindi natin alam kung papaano gagamutin or aayusin ng biglaan. For sure it will take many months or even years to fix or undo the damage that this will create. It’s a scary thought. Maybe even scarier than the pandemic because it will cause a long term global systemic failure. Nakakatakot siya isipin. And while this is only a hypothetical scenario, it teaches us the value that nurses and healthcare professionals bring to the global healthcare industry.
Let's take the time to recognize and celebrate the dedication and hard work of nurses, by expressing our gratitude for their invaluable contributions to our lives and well-being because it’s the right thing to do. ❤️🙏👩🏻⚕️👨🏻⚕️